Wish Ko Lang: 8th Anniversary Special Pangarap Tour Part 1

4,235 views · Published 26 November 2010 · 0:31 · Indexed 23 October 2026

Channel: GMA Public Affairs · 2010 · Entertainment

Watch on YouTube

Isa sa inyong matutunghayan ay ang kuwento ng binatang si Oliver. Pagtungtong niya raw ng kinse anyos, may malaking pagbabago sa buhay niya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla bigla na lang nanghina ang mga paa kaya hindi na siya makatayo. Ngayon, may tatlong taon na ang binibilang na nakadapa si Oliver sa kanyang kama. At ang kanyang mga paa, madalas ay tinatali dahil parang may sariling buhay at kusang gumagalaw! Nababahala na rin ang kanyang pamilya dahil hindi nila alam ang tunay na sakit niya. Habang sa Ifugao, lumiham ang gurong si Ofelia Catama para ilapit ang sitwasyon ng mga estudyante sa Panubtuban Elementary School. Kulang na kulang daw sa gamit ang mga mag-aaral dito. Kadalasan naghahati ang dalawampung katao sa iisang libro. Ang silid aklatan nila, wala ring halos laman, ang mga librong andun ay pamana lang din ng ibang eskuwelahan pero hindi akma ang mga ito dahil pang-kolehiyo ang mga aklat. Kadalasan sa sariling bulsa na dinudukot ni teacher Ofelia ang pagpapatupad ng ilang proyekto ng paaralan lalo na kung para sa kapakanan ito ng mga bata. Ngunit hanggang doon lang ang abot ng kanyang makakaya, kaya humiling na siya sa Wish Ko Lang upang madagdagan ang mga libro at ibang pangangailangan ng mga estudyante.

More from this channel