Zika Virus sa OFW - Video ni Dr Willie Ong #81

2,999 views · Published 30 January 2016 · 3:04 · Indexed 2 October 2026

Channel: Doc Willie Ong · 2016 · Education

Watch on YouTube

Zika Virus at OFW: 
Kailangan Proteksyonan ang OFW at Pilipinas

by Dr. Willie Ong
Master of Public Health
Internist-Cardiologist

Marami na pong OFW ang bumabalik sa bayan mula sa mga bansa na may Zika Virus. 
Mayroon na ring suspected case ng Zika virus sa isang OFW.

Heto po ang suhestiyon ko:
1. Panawagan ko na pa-igtingin ang pagbabantay sa airport para hindi makapasok ang Zika virus.

2. Sa mga OFW na galing sa Latin America, bantayan ang sarili kung lalagnatin sa loob ng 1-2 linggo (self-quarantine). Para makasiguro na ligtas sila sa Zika virus.

3. Bigyan ng suporta ang OFW at pasyente na posibleng may Zika virus mula sa ibang bansa. 

PANOORIN ang VIDEO:
https://www.youtube.com/watch?v=DC6bHtIAk0U

More from this channel