Doon Po Sa Amin may nag martsang mga mamamayang #ScrapPork #AbolishPorkBarrel

2,918 views · Published 26 August 2013 · 2:24 · Indexed 2 October 2026

Channel: DJ Bayonic · 2013 · News & Politics

Watch on YouTube

*** BAYONIC MUSIC AND GRAPHICS ***

Music : Doon Po Sa Amin - Jess Santiago
Aerial Photography : Paulo Alcazaren

Doon po sa amin , maniwala kayong tatlo ang panahon
mayroong tag-ulan , mayroon tag-araw atsaka eleksyon
tag-ulan tag-araw ay tig-anim na buwan kung ang dislokasyon
pero ang halalan walang katapusang dalang konsomisyun

Di sa pagyayabang sa lahat po yata ng bansa sa mundo
Ang aming pong bayan ang pinakahanda't sobrang pasensyoso
Sapagkat kung hindi paano tatagal sa sistemang ito
Ang pinakagrabeng trahedya sa mundo'y ang aming gobyerno

Tunay na pong kami'y laging nakahanda sa mga sakuna
Nakahanda kaming magtiis, maghirap, magdasal , lumuha
Ang problema'y kapag sa pagiging handa kami ay magsawa
Pag nangyari iyon 
Humanda ang lahat
Humanda ang lahat
Humanda ang lahat
Na dapat maghanda

Ay yay yay yay yay .....

More from this channel