3rd TOFarm Film Fest, Opisyal ng Binuksan

207 views · Published 11 September 2018 · 4:34 · Indexed 31 October 2026

Channel: NET25 · 2018 · Entertainment

Watch on YouTube

Opisyal ng binuksan sa publiko ang 3rd ToFarm Film Festival sa pangunguna ni Dr. Milagros O. How, ang executive producer, CEO at pangulo ng Universal Harvester, Inc.

Ang anim na full lenght film na kalahok ay ang "1957" ni direk Hebert Tibi, "Alimuom" ni Keith Sicat, "Mga Anak ng Kamote" ni Carlo Catu, "Sol Searching" ni Roman Reyes Jr., "Tanabata's Wife" nina Charlson Ong at Lito Casaje at "Kauyagan" ni Julienne Anne Ilagan.

Hangad ng bawat isa sa kanila na tangkilikin ng maraming Pilipino ang mga kalahok na pelikula sa naturang film festival. Mga pelikulang sumasalamin sa ating mga Pilipino.

Sa mga pelikulang kalahok umano sa ToFarm Film fest ay mas lalo nating makikilala ang mga kababayan nating magsasaka gayundin ang mga tauhan sa larangan ng agrikultura. Sa pamamagitan ng visual media maipaparating sa mga manunuod ang mabitong mensahe at kahalagahan ng bawat isa sa kanila.

Mapapanuod na ang anim na pelikulang kalahok sa 3rd ToFarm Film Fest kasama din ng mga short films na kalahok simula bukas, Sept. 12 hanggang Sept. 18 sa mga piling sinehan sa bansa.

--------
The station is dedicated to the growth and revolution of the new media era. It is created as a community and a resource -- a center of values where its best practices can be explored and where vision and innovation are shared to build new opportunities that enrich life.

Watch NET 25 Online: http://eaglebroadcasting.net/net25tv

Like us on Facebook: https://www.facebook.com/NET25TV
Follow us on Twitter: https://twitter.com/Net25TV
Tumblr: http://net25tv.tumblr.com/

More from this channel