Andi Eigenmann, nagbabalik pelikula; gagampanan ang karakter ng OFW

3,718 views · Published 25 June 2018 · 3:10 · Indexed 27 October 2026

Channel: NET25 · 2018 · Entertainment

Watch on YouTube

Nagbabalik pelikula ngayon ang aktres na si Andi Eigenmann para sa kanyang upcoming movie na The Maid In London.

Paglilinaw ng aktres, hindi niya tinatalikuran ang pag-aartista at nagiging mapili lang umano siya sa mga gagawing proyekto. Binigyan lang niya ng break ang sarili para gawin ang mga bagay na kanyang gustong gawin.

Nakabase na ngayon sa Baler, Aurora si Eigenmann ngunit handa aniya siyang bumalik sa Maynila kung may proyektong gagawin.

Sa pelikula, gagampanan ng aktres ang isang ina at overseas Filipino worker (OFW). Ito ay base sa isang totoong kuwento at nailtlhala ni BL Panganiban sa libro nitong "Tago ng Tago."

Ayon kay Andi, marami aniya siyang na-realize pagkatapos na gawin ang pelikula. Dahil ipapakita ng pelikula ang totoong dinaranas ng mga itinutiring nating bagong bayani ng kasalukuyang panahon.

Makakasama naman ni Eigenmann sa pelikula ang aktor na si Matt Evans na siya ding gaganap bilang asawa ni "Margo."

Kasama din sa pelikula sina Janice Jurado, Joshua De Guzman, Star Orjaliza, Alexis Navarro at Polo Ravales.

Mapapanood ang "The Maid In London" simula sa July 4, 2018 sa direksyon ni Dani Ugali.

--------
The station is dedicated to the growth and revolution of the new media era. It is created as a community and a resource -- a center of values where its best practices can be explored and where vision and innovation are shared to build new opportunities that enrich life.

Watch NET 25 Online: http://eaglebroadcasting.net/net25tv

Like us on Facebook: https://www.facebook.com/NET25TV
Follow us on Twitter: https://twitter.com/Net25TV
Tumblr: http://net25tv.tumblr.com/

More from this channel