SAINT FRANCIS' CHOIR IN HAIFA

1,488 views · Published 9 December 2013 · 7:15 · Indexed 6 November 2026

Channel: Analyn Solano · 2013 · People & Blogs

Watch on YouTube

MESIAS NG PASKO

I - Ang binhi nang sumilang
Ng Panginoon sa sanlibutan
Na Siyang magdudulot ng
Kaligtasan sa lahat.
Kaya't Siya'y dinakila
Ng Diyos Amang mapagmahal
At binigyan ng pangalang
Higit sa lahat.

KORO: Ang Mesias ng Pasko
Kapayapaan ng buong mundo
Maligayang Pasko,
Magmahalan tayo.
         (Ulitin ang Koro)

II - Ang pangalang Hesus
Na ating Panginoon
Ang magbibigay ng
Kaligtasan sa atin
At ang lahat sa langit 
At lupa, noon, ngayon
Lahat ng nilikha ng Diyos
Siya'y pupurihin.    

           (KORO)

III - Ang lahat ng dila'y
Ipahahayag si Hesu Kristo
Hari at Panginoon
Ngayon at kalian man
Sa ikararangal ng Diyos
Lahat tayong nasa mundo
Papupurihan Siya't
Itatanghal Kaniyang alay.

            (KORO)

More from this channel