Derrick Monasterio at Sanya Lopez, thankful sa bagong pelikula

4,604 views · Published 1 October 2018 · 3:32 · Indexed 5 October 2026

Channel: NET25 · 2018 · Entertainment

Watch on YouTube

Patuloy ang pagpapasalamat nina Derrick Monasterop at Sanya Lopez dahil sa unang pagkakataon ay magkakasama sila sa isang proyekto.

Ang kanilang pelikula ang pinakamagatang "Wild and Free" na hadog ng Regal Entertainment.

Ayon sa dalawa, ito ang isa sa mga katuparan ng kanilang pangarap at bukod sa bagong challenge kinikilala nila itong isa na namang achievement sa kanilang career sa show business. 

Ipapakita ng naturang pelikula kung mauroon ba talagang limitasyon sa pag-ibig. Kung ano at kung hanggang saan ang kayang ibigay ng isang tao alang-alang sa kanilang pagmamahalan. kahit na ilang ulit na itong nasaktan. Tungkol ito sa dating magkasintahan na nagkalayo at muling magkikita.

Makakasama din sa pelikula sina Juancho Trivino at Ashley Ortega na mula sa direksyon ni Connie Macatuno. Ito ang pangalawang mainstream film ni Direk Connie pagkatapos ng kanyang "Mama's Girl" ngayong taon.

Masisilayan na sa big screen ang pelikula simula sa Oktubre 10 nationwide.

--------
The station is dedicated to the growth and revolution of the new media era. It is created as a community and a resource -- a center of values where its best practices can be explored and where vision and innovation are shared to build new opportunities that enrich life.

Watch NET 25 Online: http://eaglebroadcasting.net/net25tv

Like us on Facebook: https://www.facebook.com/NET25TV
Follow us on Twitter: https://twitter.com/Net25TV
Tumblr: http://net25tv.tumblr.com/

More from this channel