TRAILER: Katipunan Episode 3 - Ang Pag-ibig nina Andres at Oriang
4,274 views · Published 7 November 2013 · 0:31 · Indexed 15 October 2026
Channel: GMA Public Affairs · 2013 · Film & Animation
Ang pag-ibig at pakikidigma ay wala raw ipinagkaiba. Pareho raw itong nangangailangan ng pagpaplano at istratehiya, ayon sa isang sikat na manunulat sa Espanya noong ika-14 na siglo. Sa episode na ito ng Katipunan, ipakikita ni Andres Bonifacio kung paanong ang sumulat ng librong Don Quixote ay wasto sa kanyang pananaw. Sa kanyang panliligaw kay Gregoria de Jesus (Oriang), gagamitin ni Andres ang mga taktikang kakaiba para mapaibig ang batang-batang napupusuan. Bukod kasi sa 12 taong agwat nila sa edad, mas mayaman ang ibang nanliligaw kay Oriang. Mayaman din ang pangarap ng kanyang mga magulang na mapangasawa niya. Pero dahil sa maliming pagpaplano, mapapaibig ni Andres si Oriang sa kabila ng pagtutol ng mga magulang nito. At sa ngalan ng pag-ibig, ipakikita ni Oriang ang kanyang tatag ng loob at husay mag-isip. Makagagawa siya ng paraang legal upang mapilitan ang kanyang mga magulang na bigyang-basbas ang kanilang pag-iibigan ni Andres. Sa paraang kanyang maiisip, makikita ang kanyang talino at husay sa taktika. Isang pag-iibigan sa gitna ng nagbabadyang digmaan. Iyan ang mapanonood ngayong Sabado sa Katipunan, 10:15 ng gabi sa GMA 7. http://www.gmanetwork.com/katipunan http://www.fb.com/KatipunanGMA http://www.gmanews.tv/publicaffairs http://www.gmanews.tv/newstv
More from this channel
-
0:31
Ka-Blog: First Anniversary Episode (Episode on September 12, 2009)
-
0:31
surbab 1x MPEG 4
-
0:31
KST091309
-
0:31
Happy Land (Episode on September 19, 2009)
-
0:31
AWAMTR
-
0:31
PV CLOSE092409 0X
-
0:31
Born to be Wild: "A time to heal" and "built upon nature" (Episode on October 14, 2009)
-
1:15
Serbisyong Totoo